Chapter 3
"Hazel!"
"Uy, RJ! Kamusta na?", bati sakin ni Hazel. Classmate ko sya last sem. Seatmate ko. At swerte ko dahil naging magclassmate sila ni Mina. Siya rin ang nagpakilala saming dalawa. Nung minsang nagkita kami sa National Bookstore.
"Ok lang ako. Andyan ba si Mina?"
"Oo. Late na nga pumasok yun kanina e. Napagalitan tuloy ni Sir Gomez."
"Nyak! Bakit daw?"
Pinaliwanag ni Hazel kung bakit nalate si Mina pero di ko na naririnig. Nasulyapan ko kasi sa likod nya si Mina. Papalapit samin. Naamoy ko na. *singhot* Amoy Johnson's Baby Cologne!!
"Sige Haze, kausapin ko na.", nagpaalam na akong umalis kahit di pa sya tapos magkwento. Sorry. Excited lang. :D
Kakausapin ko na sana sya ng biglang napa-isip ako. Nag-aalangan. Natatakot.Nininerbiyos.Natatae. Natotorpe.
So, nag-isip ako ng magandang pick-up line tulad ng: "Mina, keyboard ka ba? Type kasi kita e, o kaya; "Mina, ihi ka ba? Kinikilig kasi ako sayo e.", at kung anu-ano pang korning jokes na pinulot ko lang sa mga text jokes na galing cellphone ko.
Sa sobrang pag-iisip, di ko namalayan na nawala si Mina.
Dali-dali akong lumabas ng Gate 4 para hanapin si Mina. Inikot ko ang mga mata ko at pilit hinanap ang nawawala. Tingin sa kanan. Wala. Tingin sa kaliwa. Wala. Tingin ulit sa kanan. Ayun! Naglalakad sya papuntang McDo.
Habang sinusundan si Mina, nag-iisip na ako kung paano kami pwedeng magkasabay na kumain sa iisang table. Kakapalan ko ba ang mukha ko at yayayain sya ng harap-harapan o uuwi na lang ako at manunuod ng Naruto? Hmmmm. Sige, itutuloy ko na to. Replay naman yung Naruto ngayon e. :D
Nag-isip ako ng Plan B kahit wala naman akong Plan A kanina. Wala lang. Gusto ko e.
So eto ang Plan B ko:
Susundan ko sya hanggang sa counter. Dapat nasa likod nya ako at kasunod sa pag-order. Pagkatapos, kunyari akong magtetext at kunyari ring uubo ng malakas. Di ganun kalakas na parang may TB ako at di rin naman ganun kahina na di nya ako mapapansin. Sakto lang. Saktong "Ahem!" pwede na. In short, kailangan kong magpapansin.
Hinga ng malalim.
Punas ng pawis.
Ayos ng polo.
Hinga uli ng malalim.
Game.
Let's do this!
Sunday, May 18, 2008
Kalahati na lang...

Nanunuod ka ba ng Iron Chef America? O ng kahit anong cooking show? Malamang narinig mo na ang mga salitang Truffles at Caviar. Madalas silang kasali sa mga pagkaing hinahain o niluluto sa mga palabas. Ang truffles madalas sa dessert at ang caviar naman ay pwedeng ihalo kahit saan. At kapag natikman na nila, napupunta ang mga nakakatikim sa langit, dahil daw sa sobrang sarap.
Kaya tuloy pinangako ko sa sarili ko na kailangan kong matikman silang dalawa. Ang truffles at ang caviar.
Sabado, May 17, 2008. Dumating ang Balikbayan Box na pinadala ng Tita ko mula America.
Damit,gamot,toiletries,de lata at syempre, mga candy at tsokolate. :D
Chocolates. Madami. Iba-iba. May M&Ms, Toblerone, Reese's, Crunchies, at Hershey's. Nice. Tiba-tiba na naman. :)
Pagkatapos ng tanghalian, naisip kong tikman yung mga chocolates na pinadala samin.
Pagbukas ko ng ref, andun na yung iba't ibang tsokolate. Naghanap ako ng bukas na at sakto namang meron ng bukas na isang plastic ng inakala kong Hershey's Kisses dahil sa itsura nila. Dumakot ako ng chocolate, binuksan ang isa at isinubo.
*nguya* *nguya* *nguya* *lunok*
Wow! Ang sarap! Parang ngayon lang ako nakatikim ng kisses dahil nagulat pa ako sa sobrang sarap. Kaya tinanggal ko pa ang balat ng 2 pang "kisses" at sabay na isinubo.
Wow uli! Ang sarap talaga.
Habang binabalatan ang pang-apat na kisses, bigla kong nabasa yung nakasulat dun sa papel na nakadikit sa balot; "truffles".
No reaction for 5 seconds. Sabay ngiti. :D
1 down, 1 to go.
PS:
1 araw lang ang itinagal nung isang plastic ng truffles. (wala pa nga ata)
At yung 4 lang na yun ang nakain ko.
Hintay na lang ulit ng padala. Or.... /gg
Subscribe to:
Posts (Atom)