Chapter 3
"Hazel!"
"Uy, RJ! Kamusta na?", bati sakin ni Hazel. Classmate ko sya last sem. Seatmate ko. At swerte ko dahil naging magclassmate sila ni Mina. Siya rin ang nagpakilala saming dalawa. Nung minsang nagkita kami sa National Bookstore.
"Ok lang ako. Andyan ba si Mina?"
"Oo. Late na nga pumasok yun kanina e. Napagalitan tuloy ni Sir Gomez."
"Nyak! Bakit daw?"
Pinaliwanag ni Hazel kung bakit nalate si Mina pero di ko na naririnig. Nasulyapan ko kasi sa likod nya si Mina. Papalapit samin. Naamoy ko na. *singhot* Amoy Johnson's Baby Cologne!!
"Sige Haze, kausapin ko na.", nagpaalam na akong umalis kahit di pa sya tapos magkwento. Sorry. Excited lang. :D
Kakausapin ko na sana sya ng biglang napa-isip ako. Nag-aalangan. Natatakot.Nininerbiyos.Natatae. Natotorpe.
So, nag-isip ako ng magandang pick-up line tulad ng: "Mina, keyboard ka ba? Type kasi kita e, o kaya; "Mina, ihi ka ba? Kinikilig kasi ako sayo e.", at kung anu-ano pang korning jokes na pinulot ko lang sa mga text jokes na galing cellphone ko.
Sa sobrang pag-iisip, di ko namalayan na nawala si Mina.
Dali-dali akong lumabas ng Gate 4 para hanapin si Mina. Inikot ko ang mga mata ko at pilit hinanap ang nawawala. Tingin sa kanan. Wala. Tingin sa kaliwa. Wala. Tingin ulit sa kanan. Ayun! Naglalakad sya papuntang McDo.
Habang sinusundan si Mina, nag-iisip na ako kung paano kami pwedeng magkasabay na kumain sa iisang table. Kakapalan ko ba ang mukha ko at yayayain sya ng harap-harapan o uuwi na lang ako at manunuod ng Naruto? Hmmmm. Sige, itutuloy ko na to. Replay naman yung Naruto ngayon e. :D
Nag-isip ako ng Plan B kahit wala naman akong Plan A kanina. Wala lang. Gusto ko e.
So eto ang Plan B ko:
Susundan ko sya hanggang sa counter. Dapat nasa likod nya ako at kasunod sa pag-order. Pagkatapos, kunyari akong magtetext at kunyari ring uubo ng malakas. Di ganun kalakas na parang may TB ako at di rin naman ganun kahina na di nya ako mapapansin. Sakto lang. Saktong "Ahem!" pwede na. In short, kailangan kong magpapansin.
Hinga ng malalim.
Punas ng pawis.
Ayos ng polo.
Hinga uli ng malalim.
Game.
Let's do this!
Sunday, May 18, 2008
Kalahati na lang...

Nanunuod ka ba ng Iron Chef America? O ng kahit anong cooking show? Malamang narinig mo na ang mga salitang Truffles at Caviar. Madalas silang kasali sa mga pagkaing hinahain o niluluto sa mga palabas. Ang truffles madalas sa dessert at ang caviar naman ay pwedeng ihalo kahit saan. At kapag natikman na nila, napupunta ang mga nakakatikim sa langit, dahil daw sa sobrang sarap.
Kaya tuloy pinangako ko sa sarili ko na kailangan kong matikman silang dalawa. Ang truffles at ang caviar.
Sabado, May 17, 2008. Dumating ang Balikbayan Box na pinadala ng Tita ko mula America.
Damit,gamot,toiletries,de lata at syempre, mga candy at tsokolate. :D
Chocolates. Madami. Iba-iba. May M&Ms, Toblerone, Reese's, Crunchies, at Hershey's. Nice. Tiba-tiba na naman. :)
Pagkatapos ng tanghalian, naisip kong tikman yung mga chocolates na pinadala samin.
Pagbukas ko ng ref, andun na yung iba't ibang tsokolate. Naghanap ako ng bukas na at sakto namang meron ng bukas na isang plastic ng inakala kong Hershey's Kisses dahil sa itsura nila. Dumakot ako ng chocolate, binuksan ang isa at isinubo.
*nguya* *nguya* *nguya* *lunok*
Wow! Ang sarap! Parang ngayon lang ako nakatikim ng kisses dahil nagulat pa ako sa sobrang sarap. Kaya tinanggal ko pa ang balat ng 2 pang "kisses" at sabay na isinubo.
Wow uli! Ang sarap talaga.
Habang binabalatan ang pang-apat na kisses, bigla kong nabasa yung nakasulat dun sa papel na nakadikit sa balot; "truffles".
No reaction for 5 seconds. Sabay ngiti. :D
1 down, 1 to go.
PS:
1 araw lang ang itinagal nung isang plastic ng truffles. (wala pa nga ata)
At yung 4 lang na yun ang nakain ko.
Hintay na lang ulit ng padala. Or.... /gg
Wednesday, April 23, 2008
Chezeburger Love Story
Chapter 2
Maria Carmina Padilla.
Yan ang buong pangalan nya. Section727. Pareho kami ng course na kinuha. Narsing. Dito rin sa FEU. Di ko lang alam kung pinilit din syang mga magulang nya tulad ko na kumuha ng narsing at makapag-abroad. Sana "Oo". Para pareho kami. Meron na kaming 1 point compatibility na pwede kong ipagmalaki. :D
Maputi, singkit, makinis ang mukha, 5'5", medyo chubby pero tama lang at nakasuot ng salamin na may black frame. Bagay na bagay sa kanya. Bagay sa singkit nyang mata. Parang isang anghel na mula sa langit. Hehe. Artistahin. Parang ako. :D
12:40pm na. 40 minutes na akong nakikipaglaban sa araw. Panu ba naman kasing waiting shed to, butas butas yung bubong. Kurakot talaga tong piyu. Anyways, kanina pa ako kunya-kunyaring nagtetext para kunyari busy. At naglalaro ng "Little Mermaid" sa cell para maaliw naman ng konti. Buti na lang at nakisama rin ang hangin sa sakripisyo ko. Salamat sa panaka-nakang ihip ng hangin na dumadampi sa batok ko. Naisip ko mag-arms sideways para pumasok yung hangin sa kili-kili ko. Hoo! Sarap! Anlamig! Unti-unti na naman akong nagiging fresh. Nadadagdagan na ang Pogi Points ko. 8 out of 100 pogi points na. :D
Maya-maya, bigla na lang may tumawag sakin.
"RJ!"
Si James. Kasama nya sina Joshua, Carl at Dexter. Mga classmates ko.
"Kumain ka na? Tara sabay ka na samin.", nakangiting yaya nila.
At alam ko kung bakit nila ako niyayang sumabay sa kanilang kumain.
"Tapos DotA tayo!" yaya sakin ni Dex.
"Sabi ko na e" nasabi ko sa isip ko.
"Sige, sunod na lang ako mga adik. Basta maglalaro ako. May gagawin pa kasi ako e."
"Asus! Gagawin daw?! E si Carmina lang yung hinihintay mo e. Diba krash na krash mo yun?" pambubuko at pang-aasar na rin ni Joshua.
"E di naman kayo bagay e. Maganda kaya yun!"
"Gago! Sige na kumain na kayo at baka maunahan pa kayo sa dotahan!"
"Sige. Sunod ka na lang samin pasia-boy!"
Dapat di ko na kinuwento sa kanila na may krash ako kay Carmina e. Kilala pa naman yun ni Carl. Baka kinukwento ako nung lokong yun. Kaka-dyahe tuloy. Kaya tuloy pag may asaran, ako palagi ang kawawa sa aming magbabarkada. Pero deep inside alam ko na crush din nila si Carmina. Torpe lang sila. At makapal naman ang face ko. Pogi e! :D
Habang tinitignan ko palabas ang DotA Boys, napansin ko na nakalabas na yung isa sa mga kaklase ni Carmina. Shet! Malapit na. Medyo kinakabahan na ko. ~_~

Chapter 1
"Antagal naman nya lumabas. 30 minutes na ko dito ah. Di ko pa ata sya makikita ngayon. Amp!"
Pawis na pawis na ko. Basang-basa na ang kili-kili ko. Pag piniga mo nga ang batok ko, sure ako na makakaipon ka ng isang basong fresh pawis. Hmmm... sarap!
Pano ba naman tong araw na to, kung kelan ka may gagawing importante na pwedeng magpabago ng buhay mo(naks!), saka pa binuhos lahat ng init nya ngayong araw. I hate you na!!
Pero ok lang yan. Kailangang magsakripisyo. Sa ngalan ng pag-ibig! XD
Alas-dose y medya na. Kanina pa ako nag-aantay sa tapat ng Nursing Building. Hinihintay ang isang taong palaging nasa panaginip ko. Tulog o gising man ako. Yayayain ko sana siyang kumain sa labas. Syempre libre ko. Pasikat. Syempre sa mamahalin. Sa McDO. :)

Wednesday, March 12, 2008

After 2 years na suot-suot ko ang "self-made anklet" na ginawa ko habang nagkakaklase kami sa Pharmacology, natanggal na rin sya ng kusa.
Sabi ko tatanggalin ko yun kapag grumaduate ako sa FEU. Pero di natuloy. Kaya nagpromise uli ako na tatanggalin ko yan pag nakapasa ako ng local board exam. Di nanaman nasunod kahit nakapag-oath taking na ako nawala parin sa isip ko na tanggalin sya. Kaya siguro sya na ang nagtanggal sa sarili nya dahil puro pangako ako, di naman natutupad. :(
Di ko yan tinanggal ng dalawang taon sa gulugod ko kahit ilang beses ng binaha ang mga paa ko. Haha. (Oo, kadiri talaga.) :D
Tuesday, March 4, 2008
I love *****ing!
Habang naghahanap ng mapapanuod sa internet ng kung anu-anong kalokohan, nakakita ako ng isang video na talagang sobrang nakakatawa.
Wala naman sigurong hindi nakakakilala kay "The Count" ng Sesame Street diba? Lahat naman tayo napanuod sila Big Bird, Ernie&Bert, Cookie Monster at Elmo. At syempre nandyan si "The Count" na mahilig magbilang. Teka, magbilang nga ba ang hilig nya? Play the video to find out. :)
*Paalala*
Kapag natawa ka sa video. Madumi ang isip mo. :P

Tuesday, February 26, 2008
1st post yay!
Ano ba namang blog to wala man lang entries. XD
Buti na lang naglinis kami ng bahay at may nakita akong pwede ng ilagay sa blog na to.
2nd year college ata ako nun nung nasulat ko tong "poem" na to.
Assignment namin sa Humanities dapat to e. E di naman ako gumawa kasi confident ako na di ako matatawag. Di naman kasi ako palataas ng kamay sa klase e.
Kaso nung sinabi sakin ng seatmate ko na tatawagin daw lahat para magrecite, napakuha kagad ako ng notbuk at bolpen para magsulat ng kahit ano. Kahit ano lang ok na. Para may mapakita lang at malagyan ng grade. :D
Warning: Korni po ang poem na to kaya ok lang na kutyain nyo ako at batuhin ng kamatis. :)
(Di ko pala nalagyan ng title)
Sana'y masabi
ng puso kong ito
sa iyo aking baby
ang pag-ibig ko sayo.
Gagawin ko na nga lahat
Lahat ng gusto mo
Dadalhin ko bag mo
Kahit mabigat to
Hahatid kita, kahit gabi na
Pero jeep lang, la ako pera
Sasamahan kita, pag nagugutom ka
Kahit nagda-diet ang aking pitaka
Kakausapin kita pag wala kang kasama
Kahit tayong dalawa mukha ng tanga
Bibigyan kita ng papel na dilaw
1/4, 1/2, 1 whole kahit na araw-araw.
Sasabay ako pag kumakanta ka
Kahit sintonado ako, sintonada ka
Bibili kita ng food dyan sa may Tayuman
Yung tindahan malapit sa may basurahan
Makikinig ako pag may problema ka
Wag lang sa pera, walang wala ako talaga
Patatawanin kita pag ika'y malungkot
Joke ako ng isa, pang-alis ng pagkabagnot
Pakokopyahin kita, pag di ka nag-aral
Gagawa ako g kodigo, kahit na bawal pa
Pero teka, bat ko nga ba ginagawa to?
Di naman ako ang yaya, alalay o boyfriend mo
Ah! Alam ko na kung bakit nga ba,
Lahat ng ay ito ginagawa ko,
Lahat ng ito sinusubukan ko,
Mahal nga pala kita!
Pucha talaga!
Sabi sa inyo korni e. :D

Subscribe to:
Posts (Atom)