Chapter 2
Maria Carmina Padilla.
Yan ang buong pangalan nya. Section727. Pareho kami ng course na kinuha. Narsing. Dito rin sa FEU. Di ko lang alam kung pinilit din syang mga magulang nya tulad ko na kumuha ng narsing at makapag-abroad. Sana "Oo". Para pareho kami. Meron na kaming 1 point compatibility na pwede kong ipagmalaki. :D
Maputi, singkit, makinis ang mukha, 5'5", medyo chubby pero tama lang at nakasuot ng salamin na may black frame. Bagay na bagay sa kanya. Bagay sa singkit nyang mata. Parang isang anghel na mula sa langit. Hehe. Artistahin. Parang ako. :D
12:40pm na. 40 minutes na akong nakikipaglaban sa araw. Panu ba naman kasing waiting shed to, butas butas yung bubong. Kurakot talaga tong piyu. Anyways, kanina pa ako kunya-kunyaring nagtetext para kunyari busy. At naglalaro ng "Little Mermaid" sa cell para maaliw naman ng konti. Buti na lang at nakisama rin ang hangin sa sakripisyo ko. Salamat sa panaka-nakang ihip ng hangin na dumadampi sa batok ko. Naisip ko mag-arms sideways para pumasok yung hangin sa kili-kili ko. Hoo! Sarap! Anlamig! Unti-unti na naman akong nagiging fresh. Nadadagdagan na ang Pogi Points ko. 8 out of 100 pogi points na. :D
Maya-maya, bigla na lang may tumawag sakin.
"RJ!"
Si James. Kasama nya sina Joshua, Carl at Dexter. Mga classmates ko.
"Kumain ka na? Tara sabay ka na samin.", nakangiting yaya nila.
At alam ko kung bakit nila ako niyayang sumabay sa kanilang kumain.
"Tapos DotA tayo!" yaya sakin ni Dex.
"Sabi ko na e" nasabi ko sa isip ko.
"Sige, sunod na lang ako mga adik. Basta maglalaro ako. May gagawin pa kasi ako e."
"Asus! Gagawin daw?! E si Carmina lang yung hinihintay mo e. Diba krash na krash mo yun?" pambubuko at pang-aasar na rin ni Joshua.
"E di naman kayo bagay e. Maganda kaya yun!"
"Gago! Sige na kumain na kayo at baka maunahan pa kayo sa dotahan!"
"Sige. Sunod ka na lang samin pasia-boy!"
Dapat di ko na kinuwento sa kanila na may krash ako kay Carmina e. Kilala pa naman yun ni Carl. Baka kinukwento ako nung lokong yun. Kaka-dyahe tuloy. Kaya tuloy pag may asaran, ako palagi ang kawawa sa aming magbabarkada. Pero deep inside alam ko na crush din nila si Carmina. Torpe lang sila. At makapal naman ang face ko. Pogi e! :D
Habang tinitignan ko palabas ang DotA Boys, napansin ko na nakalabas na yung isa sa mga kaklase ni Carmina. Shet! Malapit na. Medyo kinakabahan na ko. ~_~
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment